Makakuha ng mga maaasahang sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Ano-ano ang mga salitang magkaugnay?
Ang mga salitang magkaugnay ay tumutukoy sa mga salita na ang kahulugan ay may kaugnayan sa isa't isa. Ang mga salita ay dapat may relasyon. Makikilala ang mga salitang magkaugnay sa dalawang paraan. Una ay kung ang mga salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat. Ang mga ito rin ay maaaring laging magkasama o magkapareha.
Mga Halimbawa ng Salitang Magkaugnay
Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang magkaugnay. Nakalagay din ang kaugnayan ng mga salita upang mas maunawaan ang mga ito.
●tinidor at kutsara (magkapareha)
●hari at reyna (magkapareha)
●martilyo at pako (magkasama)
●walis at pandakot (magkasama)
●lihim at sikreto (magkasingkahulugan)
●magaling at mahusay (magkasingkahulugan)
●mahirap at mayaman (magkasalungat)
●maliit at malaki (magkasalungat)
●platito at tasa (magkasama)
●papel at lapis (magkasama)
●karayom at sinulid (magkasama)
●upuan at mesa (magkapareha)
●nanay at tatay (magkapareha)
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.