Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang gamot o medicine ay isang kemikal na iniinom para lunasan ang sakit. Maaring may reseta o walang reseta ang iniinom nating gamot. Iba’t ibang mga gamot ang ginagamit para lunasan ang iba’t ibang sakit. Ito ay nagpapagaling o nagpapagaan ng karamdaman. Kumonsulta sa doctor para makasigurado sa iinuming gamot.Pagkakaiba ng Gamot na may Reseta at Gamot na walang ResetaAng mga sumusunod ang pagkakaiba ng gamot na may reseta at gamot na walang reseta:Gamot na may resetaInireseta ng isang doktor sa pasyente.Mabibili sa botika kapag may ipinakitang reseta mula sa doktor.Hindi maaaring inumin ng ibang pasyente n may kaparehas na sakit.Iinumin ang gamot na may reseta ayon sa itinakdang bilang at araw.Ang mga gamot na antibiotic at antidepressant ay halimbawa ng gamot na may reseta.
Gamot na walang resetaMabibili ito sa botika bilang over the counter medicine.Maaring inumin ang gamot kahit walang reseta.Ginagamit ito bilang self-medication drugs.Maaring itigil o ipagpatuloy ang paginom ng gamot na walang reseta ayon sa kagustuhan ng pasyente.Iniinom ang gamot na walang reseta bilang pangunang lunas.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.