Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Bansang Pilipinas
Iyong makikita ang gintong silahis
Sa dakong silangan ng ating daigdig,
Hindi nalalasap ang hapdi ng hibik,
Iyang kalungkutan pilit mawawaglit,
Pag iyong namalas ang kaakit-akit
Na tanawing anong ganda't pagkarikit!
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Damhin mo ang dampi ng hanging amihan
May hatid na awit ng kaligayahan;
Masdan mo ang dagat, malawak at bughaw
Maginto't maperlas di mapapantayan;
Tingnan ang kay-ganda niyang kaparangan
Nagbibigay-sigla sa pusong may panglaw.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Dinggin mo ang galak ng kristal na batis
Na lumuluhod na sa lungkot at hapis,
Iyo ring pakinggan ibong umaawit
Do'n sa papawiring malaya ang tinig;
Lupang maligaya't lupang matahimik
Walang makatulad sa silong ng langit!
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Ang bayan ko'y bayan ng mga awitin
Matamis pakinggan at napakalambing;
Tulad ng kundiman na nakaaliw,
Maglalahong tunay ang mga panimdim
Pag iyong namasdan; Pandanggo't tinikling
Magbibigay sinag sa pusong hilahil.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Ito ay lupang maganda't mayaman
Sa mga tanawin niyang kalikasan;
Taong masipag ang nananahanan
Di takot masunog sa sikat ng araw;
Handa ring gumawa kahit umuulan
Nang taos sa puso't laging nasa dibdib.
Iyan ang bansa ko -
Bansang Pilipinas!
Pinoy Edition © 2022 - All rights reserved.
Source: https://www.pinoyedition.com/mga-tula/bansang-pilipinas
---(Pls correct me if i am wrong)---
Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.