Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
Sa panahon ng pandemya, malaki ang pinagbago ng pagkuha ko ng edukasyon at hindi ito ang dati kong nakasanayan. Natututo ako sa maraming bagay at naging hamon ito sa buhay ko. Masasabi ko na mahirap ang pagbabago dahil ngayon ko lamang ito naranasan bilang isang estundyante. Sa pamamagitan ng mga online classes nasubok ang mahabang pagtitiis at kahinahunan upang masapatan ang edukasyon ko. Pero sa kabila na ganito ang aking naransan, nagsisikap ako ng husto at ginagawa ko ang lahat dahil para ito sa sarili kong kapakinabangan.
Ang pandemya ay hindi naging hadlang upang makapagpatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral. Tuloy parin ang pagkuha ng bagong kaalaman dahil ganoon na lamang ang aking pagpapahalaga rito. At para magkaroon ako ng positibong saloobin, ang ilan sa mga ginagawa ko ay pagtuon ng pansin at pagpokus lagi sa aking mga tunguhin at pangarap sa buhay. Malaking tulong ito sa sarili ko para magsikap pa at gawin ang lahat alang-alang sa edukasyon. Sa totoo lang, maraming hamon sa buhay sapagkat pinaglalabanan rin ang lungkot na nadarama sa tagal na nasa loob ng bahay.
Kaya kahit magkaroon man ng mga pagsubok sa ating pag-aaral, gawin na ang buong makakaya na malagpasan ito. Kailangan ang sipag at tiyaga upang makagampanan ang responsibilidad ko bilang isang mag-aaral. Tulungan natin ang ating sarili sa bagay na ito nang sa gayon ay maging matagumpay ang lahat ng paghihirap natin. Masasabi kong kaunting tiis nalang at makakamtan ko rin ang mga minimithi ko sa buhay
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.