IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Pambansang kita
- Ang pambansang kita ay ang kabuuang kitang pinansyal ng lahat ng sektor na nasasakupan ng isang bansa o estado.
* Kinakailangang malaman at masukat ang pambansang kita sapagkat dito matutukoy at masusuri kung ang ekonomiya ng isang bansa ay lumalago at umuunlad o hindi.
Mga limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita
* Mga serbisyo at produktong binuo ng mga tao
* Mga nabibilang sa impormal na sektor tulad ng black market, mga illegal na pasugalan, pamilihan ng mga ipinagbabawal na gamot at marami pang iba.
* Antas o kalidad ng pamumuhay ng mg tao
* Mga hindi sinasadyang epekto
Ang Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP)
- Ang Gross National Income (GNI) at Gross Domestic Product (GDP) ay parehong sumusukat sa pambansang kita ng bansa, parehas din itong tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo ng bansa.
Gross National Income (GNI)
- Ang Gross National Income (GNI) ay ang dating Gross National Product. Ito ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mamamayan sa isang bansa. Sinusukat gamit ang salapi sa bawat kwarter sa loob ng isang tao na ginagamit ang dolyar bilang pamantayan.
Gross Domestic Product (GDP)
- Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat naman sa pampamilihang halaga ng lahat ng tapos ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon. Kasama dito ang lahat ng mga salik na ginamit sa produksiyon upang mabuo ang produkto at serbisyo maging pagmamay-ari ng mga dayuhan o hindi na matatagpuan sa loob ng isang bansa.
#LetsStudy
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.