IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Basahin ang kuwento tungkol sa magkaibigang sina Chintu at Banti.

Title: Katapatan✨

Sina Chintu at Banti ay mabuting magkaibigan. Malaki ang tiwala nilasa isa't isa. Si Banti ay isang tapat na bata. Minsan ay napagpasiyahan ngmagkaibigan na magkasamang magbakasyon sa probinsiya. Masaya sila sa kanilang bakasyon. Pagkalipas ng isang linggo ay nagplano na silang umuwi. Habang hinihintay nila ang pagdating ng tren ay nakita nila na may nakaiwan ng bag sa upuan. Si Chintu ang unang nakapansin sa bag at kinuha ito. Binuksan niya ito at nakitang puno ito ng maraming salapi at alahas. Tinangka ni Chintu na itago ito sa kaniyang maleta subalit sinabihan siya ni Banti ng, "Matapat tayong mga tao, hindi natin ito dapat kunin. May nakaiwan lamang nito. Dapat na ipagtanong natin kung sino ang may-ari nito. Kapag may pumunta at nagsabing kaniya ito, itatanong natin sa kaniya kung ano ang eksatong laman nito, kapag nasabi niya, ibibigay na natin ito sa kaniya," paliwanag ni Banti. "Huwag na huwag. Kapag ginawa natin ito, lahat na lamang ay mag-aangkin nito. Tayo ang unang nakakita kaya atin na ito," wika ni Chintu. "Ano ang pinagsasasabi mo?" ani Banti. "Kung ayaw mong ibigay ito sa may-ari, pàghatian na lamang natin ang laman nito. Pareho natin itong natagpuan at marami na tayong pinag-samahan. Marapat lang maging magkahati rin tayo dito. Kung hindi ka sang-ayon sa sinasabi ko, hayaan mo na lamang na maging akin ito." Pagkasabi nito, kinuha ni Chintu ang bag at itinago. Samantala, dumating na ang hinihintay nilang tren at sumakay na sila. Nang makaupo na sila ay nagsimula na muling mag-usap ang magkaibigan. Lumipas ang mga oras, sumapit ang gabi, at nakaramdam na sila ng antok. Nang huminto sa susunod na istasyon ang tren ay may mga pulis na umakyat sa tren. Agad itinago ni Chintu ang napulot na bagahe sa kaniyang likod. Binulungan ni Chintu si Banti, "Lagot tayo, huhulihin tayo ng mga pulis at ikukulong." "Bakit mo sinasabing tayo, wala akong kinalaman sa kinuha mong bag. Hindi ka nakinig sa paalaala ko sa iyo na huwag nating kunin ang bag at ipagtanong natin kung sino ang may-ari ngunit ipinilit mo ang iyong gusto, bakit ngayong magigipit ka na ay bigla akong kasama?" pabulong ring tugon ni Banti. Napansin ng mga pulis na may takot sa ekspresyon ng mukha ni Chintu kaya nilapitan nila ito at ininspeksyon ang mga dala nitong bagahe. Natagpuan nila ang nawawalang bag na puno ng alahas at maraming salapi. Dinakip sila ng mga pulis at ikinulong. Labis na pinagsisihan ni Chintu kung bakit hindi pa niya pinakinggan ang payo ng kaibigan.

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng magkaibigan na nakakita ng isang bag na puno ng pera at alahas, ano ang gagawin mo?

2. Ano ang mahalagang aral na mapupulot sa kuwento?

3. Bakit sinasabing ang katapatan ang pinakamabuting panuntunan sa buhay?​


Sagot :

Answer:

1. Gaya ng plano ni Banti, ipagtatanong ko ito at isasauli sa may ari.

2. Ang mahalagang aral na mapupulot sa kwento ay lagi kang maging tapat at wag mong angkinin ang mga kagamitang hindi mo pag-aari.

3. Dahil kung ikaw ay matapat ay magiging maganda ang buhay mo at pakikitunguhan ka ng mabuti ng tao dahil ikaw ay matapat sa lahat ng pagkakataon. Ang pagiging matapat ay isang mabuting katangian na dapat taglayin ng lahat ng tao