Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Gumawa Ng essay. 3 paragraph with more than 120 words.
" Bakit mahalaga Ang edukasyon sa isang tao "

Sana po ay matulungan nyoko Ako​


Sagot :

Answer:

Dahil sa edukasyon, nagiging mas mabuting mamamayan ang mga tao, magkaroon ng mas mabuting trabaho at natututo kung ano ang tama at mali.

Naipapakita ng edukasyon ang kahalagahan ng pagiging matiyaga at nakakatulong din ito sa ating pag-uunlad bilang isang indibidwal. Kaya naman, maaari tayong makagawa ng mas mabuting komunidad at lipunan dahil sa pagiging edukado at pag respeto sa mga batas, at sa mga karapatang pantao.

Mahalaga rin ang edukasyon dahil napapalago ang kritikal na pag-iisip ng isang tao. Ang pag-iisip na lohikal at kritikal ay nagpapaunlad ng kakayahang gumawa ng mabuting desisyon ang isang tao.

Dahil din sa edukasyon, mas napapabuti rin ang ekonomiya ng isang bansa dahil kapag edukado ang isang tao, mas malaki ang oportunidad nitong magkaroon ng trabahong mataas ang suweldo.

Higit sa lahat, ang edukasyon ay nagbibigay ng paraan para sa iba na magbigay balik sa komunidad. Ito’y nagbibigay daan para magkaroon ng pantay na oportunidad para sa lahat, mayaman man o mahirap.

Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Sama-sama nating palawakin ang ating komunidad ng karunungan at pagkatuto. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.