Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
Ang pagsusunog ng basura ay isang peligrosong gawain hindi lamang para sa tao kundi para sa kalikasan. Ito ay naglalabas ng masamang elemento na nagdadala ng polusyon sa hangin na ating nilalanghap. Nakalista sa baba ang masasamang epekto sa kalikasan ng pagsusunog ng basura.
Pagdami ng greenhouse gases. Ang greenhouse gases ay mga elementong hangin na nakakapagpataas ng temperatura ng ating planeta sa pamamagitan ng pagharang sa pagsingaw ng init ng ating planeta. Binabalik nito ang init sa lupa na nagsasanhi ng patuloy na pagtaas ng temperatura. Kasama sa mga greenhouse gases ang carbon monoxide, carbon dioxide, sulfur dioxide, at nitrous oxide na nailalabas kapag nagsusunog tayo ng basura.
Air pollution. Nagsasanhi ng air pollution ang pagsusunog ng basura bukod sa pagdami ng greenhouse gases. Ang mga elementong hangin gaya ng carbon monoxide, sulfur dioxide, at nitrous oxide ay nakapagdudulot ng sakit sa baga at sa utak dahil napipigilan nito ang pagbibigay ng oxygen sa utak.
Acid rain. Ang pagdami ng carbon dioxide, carbon, at sulfur dioxide sa atmosphere ay nakapagdudulot ng pagiging acidic ng ulan. Tinatawag itong acid rain. Kapag ito ay bumagsak sa lupa, ito ay mapinsala sa kalusugan ng tao, hayop, mga halaman, nakasisira din ito ng mga istruktura at maging pati ang dagat ay sumasama ang lagay dahil dito.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa air pollution at greenhouse gases, maaaring pindutin ang mga link sa ibaba:
brainly.ph/question/831157
brainly.ph/question/1218401
brainly.ph/question/1381658
Explanation:
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.