IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa kuwentong isang libo’t isang gabi?
ISANG LIBO’T ISANG GABI
(ONE THOUSAND AND ONE NIGHTS)
NOBELA-SAUDI ARABIA
ISINALIN SA FILIPINO NI: JULIETA U. RIVERA
Isang kamalian ang ginawa ng pangunahing tauhan.
- Hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Mali ang ginawa ng pangunahing tauhan sapagkat marami siyang taong nasaktan. Una ang kanyang asawa na walang kaalam-alam sa kataksilang kanyang ginawa, ikalawa ang hepe, Si Cadi, si Visier ang hari at ang kalpintero mga taong hindi maganda ang intension sa kanya sa simula pa lamang, ngunit kung tutuusin ay siya rin ang gumawa ng paraan upang magkasala ang iba pang mga tauhan. Hindi sapat na dahilan ang pangungulila upang gawin ang mga maling bagay, hindi maaaring sisihin ang malimit na pag-iwan nang matagal ng kaniyang asawa at nang dahil sa katagalan nang pag-uwi ng lalaki ay nakadama na siya ng kalungkutan at pagkabagot. Hindi naman masama ang malungkot at mabagot bastat ang mahalaga ay gagawa ka ng paraan na makapapawi ng bagot at pagkalungkot ng wala kang tinatapakang tao. “Love comes in an unexpected ways” ika nga nila ngunit paano kung ang pagmamahal na nararamdaman mo o ang puso mo ay tumibok sa maling tao, sa maling panahon at maling pagkakataon itutuloy mo pa ba?
- Hindi mali ang pagmamahal na naramdaman ng pangunahing tauhan ngunit mali ang ginawa niyang pagsunod sa dinidikta nito kaya’t ang kanyang imahe na pagiging matapat at mabuting asawa ay naglaho na lamang bigla dahil sa kanyang ginawang kamalian. Dahil sa simula’t sapul pa lamang ay ala, na niya na ang kanyang asawa ay mahilig maglakbay sa buong mundo, alam na niya na posibleng maiwan siyang mag-isa ngunit nagpakasal parin siya rito, Kaya’t kung titignang mabuti ay hindi katanggap-tanggap sa ibang mga mambabasa ang ginawi niya. Ngunit maaari rin namang bigyang katwiran kung bakit ginawi ito ng tauhan batay na rin sa mga pangyayaring nakapaloob sa akdang “ Isang libo’t Isang Gabi” na dahil sa kawalan ng sapat na oras at panahon ng lalaki sa kanya ay bigla na lamang nagbago ang tibok ng damdamin niya, pagtibok na hindi niya inakala. Sabi nga sa Florante at laura saknong 80 "O’ pagsintang labis ang kapangyarihan sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw pag ikaw ay nasok sa puso ninuman. Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” nga lang dahil sa pagsunod niya maraming nasagasaan, samakatuwid kung tayo’y gagawa ng bagay o magdedesisyon sa mga bagay-bagay siguraduhin nang mabuti/ pag-isipan bago gawin at kung may tao man tayong dapat sisihin walang iba kundi ang sarili natin.
Kahulugan ng isang libot isang gabi
brainly.ph/question/499900
brainly.ph/question/2039963
brainly.ph/question/2068910
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.