IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
"Pagsasabi ng tapat,
Pagsasama ng maluwag"
Ang salawikaing ito ay nangangahulugan na ang pagiging tapat sa salita ay nagbubunga ng magandang samahan. Ang pagiging tapat sa salita ay nagdudulot ng kapayapaan sa pamumuhay ng isang tao. Mas nagiging makabuluhan ang kanyang buhay kung tapat siya sa pakikipagkapwa - tao. Palaging katotohanan ang dapat sabihin upang hindi mawala ang pagtitiwala.
Anumang relasyon o ugnayan, ang salawikaing ito ay tiyak na tutugma. Halimbawa ng mga relasyong pinatutungkulan ng salawikaing ito ay:
- mag - asawa
- ina sa anak
- ama sa anak
- magkapatid
- magkaibigan
- magkasintahan
- guro sa mag - aaral
- magkatrabaho
- amo sa kanyang mga empleyado
- mga nanunungkulan sa pamahalaan at taong - bayan
Sa lahat ng pagkakataon, ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag. Maluwag sapagkat walang alitan, walang pagdududa, at walang kasinungalingan.
Ano ang salawikain at mga halimbawa nito: https://brainly.ph/question/2220729
#LearnWithBrainly
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.