IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

kasuotang ginagamit ng mga babaeng maranao

Sagot :

Ang malong ang tradisyonal na kasuotan na ginagamit ng mga kababaihan na Maranao. Ang malong ay ginagamit ng iba’t ibang katutubo sa Timog na bahagi ng Pilipinas at sa Arkipelago ng Sulu. Maaari itong magsilbing damit, kumot, duyan, basket, at marami pang iba.

Ang tradisyonal na damit na ito ay hinabi ng kamay sa tulong ng isang back strap loom. Pinapakita ng malong ang mga disenyo na aangkop sa kinaugalian ng tribo. Ang mga malong na gawa sa bulak at silk ay mas mataas ang presyo kumpara sa regular na mga malong. Ginagamit lamang ito tuwing may espesyal na okasyon at para maipakita ang katayuan ng isang tao sa lipunan. 
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.