IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

panloob na salik na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga

Sagot :

Panloob na Salik na Nakakaimpluwensiya sa Paghubog ng mga Pagpapahalaga:

Ang mga panloob na salik na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng mga pagpapahalaga ay ang mga sumusunod:

  1. konsensiya
  2. mapanagutang paggamit ng kalayaan
  3. pagiging sensitibo sa gawang masama
  4. pagsasabuhay ng mga birtud
  5. disiplinang pansarili
  6. moral na integridad

Ang konsensiya ay ang batas moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng tao. Ito ay ang praktikal na paghuhusgang - moral ng isip - ang paghuhusga ng isip kung mabuti o masama ang isang kilos.

Ang mapanagutang paggamit ng kalayaan ay ang paggamit ng kalayaan ng may pang - unawa na ito ay may kakambal na pananagutan. Ito ang pangunahing kakayahang kailngan upang makapagsagawa ng tamang pagpapasyang moral at makapili ng tamang mga pagpapahalaga.

Ang pagiging sensitibo sa gawang masama ay nasasalamin kung batid niya ang layon, pamamaraan, at mga pangyayari ng isang kilos.Ang isang kilos na masama ay hindi dapat ipagwalang - bahala.

Ang pagsasabuhay ng mga birtud ay ang pinakamatibay na patunay na naisaloob ng isang kabataan ang mga moral na pagpapahalaga. Ang moral na pagpapahalaga ay dapat na mailapat sa anumang mahalagang pagpapasiya, aksyon o kilos.

Ang disiplinang pansarili ay nahuhubog sa pamamagitan ng pagsisikap an mag - isip at magpasiya ng katuwiran, maging mapanagutan sa lahat ng kanyang kilos, tanggapin ang kalalabasan ng pasya at kilos, at gamitin nang wasto ang kanyang kalayaan.

Ang moral na integridad ay mapapanatili kung magiging matatag sa pakikibaka para sa katotohanan at kabutihan. Ito ang pagsasaloob ng mga katotohanang unibersal at pagpapahalagang moral.

Keywords: panloob na salik, paghubog ng mga pagpapahalaga

Kahulugan ng Konsensiya: https://brainly.ph/question/471882

#BetterWithBrainly