IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

Anong rehiyon ang tinatawag na lupain ng hiwaga?

Sagot :

Ang Timog Asya ay kilala sa bansag na "Lupain ng Hiwaga" dahil sa mga relihiyon at paniniwalang nagmula sa rehiyong tulad ng HInduismo at Buddhismo. May kabuuan itong sukat na halos 5.2 milyong km kuwadrado. Napalilibutan ito ng Tsina sa hilaga, Dagat Arabian at Kanlurang Asya sa kanluran, Karagatang Indian sa timog, Look ng Bengal at Myanmar sa silangan. 
Binubuo ito ng mga sumusunod na bansa:
- Afghanistan
- Bangladesh
- Bhutan
- India
- Maldives
- Nepal
- Pakistan
- Sri Lanka