Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand

Sagot :

Demand:

Sagot:

Ang aking paunang pagkaunawa sa salitang demand ay gusto o kagustuhan. Kapag meron demand kinakailangan na gumawa ng mga paraan upang makuha ang mga bagay na gusto tulad ng pagtatrabaho, pag – iipon, pagnenegosyo, at iba pang paraan upang magkaroon ng pera o kumita na siyang ipambibili o ipantutustos sa kagustuhan tulad ng bagong damit at sapatos, gadget, at marami pang iba.

Totoong Kahulugan ng Demand:

Sa ekonomiks, ang  demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

Kahulugan ng Demand: https://brainly.ph/question/1880800

Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand:

  • kita
  • dami ng mamimili
  • inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap
  • panlasa
  • presyo ng magkaugnay na produkto at pagkonsumo

Ang pagkakaiba iba ng kita ay nagdudulot din ng pagbabago sa demand para sa isang particular na produkto. Kapag mas mataas ang kita ng isang tao, mas mataas din ang kanyang kakayahan na makabili ng isang produkto. Gayundin, kapag mas maliit ang sahod ng isang tao, mas lumiliit din ang kanyang kakayahan na makabili ng isang produkto o serbisyo.

Ang biglaang pagdami ng mga mamimili dulot ng tinatawag na “bandwagon effect” ay nakakaapekto rin sa demand. Mas nahihikayat ang isang tao na bumili kapag nakikita niya na maraming tumatangkilik sa produktong ito.

Kapag nakikita ng mga mamimili na maaaring tumaas ang presyo ng isang produkto, sinasamantala nila ang pagbili sa panahon na mababa pa ang presyo ng produktong ito. Ito y kadalasang naihahalintulad sa panic buying o pagbili nang higit sa pangangailangan.

Ang pagpili ng produkto o serbisyong bibilhin ay depende sa panlasa at kagustuhan ng konsyumer at panahon.

Magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o maaaring maging alternatibo ng isa’t isa.  Komplementaryo ang tawag sa mga produktong magkasabay na ginagamit tulad ng kape at asukal, bigas at de lata.

Salik na Nakakaapekto sa Demand: https://brainly.ph/question/416532

Batas ng Demand:

Ayon sa Batas ng Demand, kapag ang presyo ng bilihin ay tumataas, bumababa naman ang bilang ng dami ng pagkagusto at kayang bilhin. Samantalang kapag bumababa ang presyo ng produkto, ay tumataas naman ang pagkagusto at kayang bilhin. Bilang karagdagan, isinasaad ng batas na ito na sa tuwing ang isang tao at kanyang pamilya ay magpapasyang bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing batayan at sa bawat pagbiling gagawin ay mahalagang malaman muna ang presyo ng produktong bibilhin.

Dalawang Batayan ng Batas ng Demand:

  1. income effect
  2. substitution effect

Ayon sa income effect, mas malaki ang halaga ng perang kinita sa tuwing mas mababa ang presyo ng isang produkto o bilihin. Sa tuwing mas mababa ang presyo ng mga bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili (purchasing power) ng mas maraming bilihin o produkto. Samantalang lumiliit naman ang kanilang kakayahang makabili (purchasing power) kaya nababawasan din ang bilang ng mabibiling produkto.

Ayon sa substitution effect, kapag tumaas ang presyo ng isang bilihin ang mga konsyumer ay humahanap ng alternatibo na mas mura.  

Batas ng Demand: https://brainly.ph/question/2306948