Answered

Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Ano ang kahulugan ng transisyon

Sagot :

ang transisyon ay ang pagsasalin sa diksyunaryong tagalog-Ingles.
ang transisyon ay ang pagsasalin sa diksyunaryong tagalog-Ingles sa Glosbe.

ANG DAIGDIG SA PAHAHON NG TRANSISYON

Ang daigdig sa panahon ng transisyon ay kinapapalooban ng iba't-ibang pagbabago ng kabihasnan. Pinasimulang ito sa kibihasnang Griyego, Minoan, Mycenaean.

KABIHASNANG GRIYEGO
"Sinilangan ng Kanlurang Sibilisasyon" ang taguri sa Gresya. Kahit na nagging magulo o masalimuot ang naging kasaysayan ng mga Griyego dahil sa pananakop ng mga dayuhan ay napanatili nila ang kanilang mga tradisyon.
Pangingisda ang ikinabubuhay ng mga griyego, hanggang sa naging mga mahusay na manlalakbay at dito nila nakuha ang mga kaalaman ng ibang sibilisasyon.
Ang malaking bahagi ng Gresya ay bulubundukin. Ito ay napapalibutan ng tatlong dagat na siyang nagsisilbing hangganan ng lupain. Ang mga kadahilanang ito ang siyang naging hadlang sa mabagal na pagpasok ng mga iba't-ibang kaisipan at teknolohiya rito.

KABIHASNANG MINOAN
Ipinangalan ang lugar kay Haring Minos ayon sa mga alamat. Paglilinang ng ginto at bronse at may sistema na sila ng panulat. Mahusay na mga mangangalakal. Mahusay din silang mga arkitekto. Halimbawa nito ang Knossos na tila maliit na lungsod.

KABIHASNANG MYCENAEAN
Nagsimula ang sibilisasyong Mycenaean sa pulo ng Peloponnesia sa timog ng Gresya. Ang pamumuhay ng ng Mycenaean ay naimpluwensiyang ng kabihasnang Minoan. Sila din ay mga mangangalakal. Dito naganap ang tanyag ng Trojan War dahil sa di pagkakaunawaan ng Achaean sa lunsod ng Troy.
Maraming mga digmaan ang naganap sa panahong ito. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka at pagtatag ng sining at unti-unting bumagsaka ang sibilisasyong Mycenaea n.

KABIHASNANG HELENISTIKO
Namayani ang kulturan Helenistiko sa buong Mediteraneo noong nasakop ni Alexander the Great ang mga lupain ng mga Griyego.
Lumawak ang pakikipag-ugnayan ng Gresya sa mga mamamayan ng sinaunang Kanlurang Asya sa pamamagitan ng impluwensya ni Alexander lumaganap ang kulturang Griyego sa iba't-ibang lugar na sakop ng Meditiraneo. Ang mga taong nabibilang sa mataas na antas ng lipunan ay napahalagahan din ang panitikan, kaisipan, kaugalian ng mga griyego. 

KABIHASNANG ROMANO
Lumaganap ang kulturang Romano na nagwakas sa paniniwalang Helenistiko ngunit nanatiling buhay ang impluwensiyang iniwan ng mga Griyego at mas naging tanyag pa ito.
Kinilala ang kadakilaan at ang katapangan ng mga sundalong Romano. Ipinakita ang kapangyarihan nila hindi lang sa pananakop ng ibang lupain kundi sa impluwensya ng kanilang kaisipan sa mga bansang nasakop.
Unang nanirahan sa Roma ang mga Latinong magsasaka at tagapag-alaga ng mga hayop mula sa hilaga. Nagtayo sila ng mga mumunting pamayanan sa mga burol.
Bagama't napalawak ng digmaan ang kapangyarihan ng Roma at nagbibigay ito ng mga bagong lupain, napabayaan naman nito ang pamamalakad sa loob ng bansa dahil sa suliranin sa agrikultura, hanapbuhay, kawalang kaayusan sa lipunan at pagkakaroon ng pansamantalang kapangyarihan. Unti-unti nang nawala ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan dahil sa kawalan nito ng kakayahang lutasin ang mga suliraning kinakaharap ng bansa.