Ang mga akda ng
Africa at Iran ay nagdala ng kakaiba at pagbabago sa mundo ng
panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mga
mahuhusay at malikhaing manunulat na nagpapakilala sa kanilang
paniniwalang Sufism kung saan ang isang indibidwal ay napapaunlad sa
pamamagitan ng kanyang pandama. Ang kawastuan at katapatan sa pagsulat
ay isa rin sa mga naibahagi ng mga bansang ito sa mundo ng panitikan
lalo na sa larangan ng pilosopiya at paniniwala.