Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

ano ang konotasyon ng ahas?

Sagot :

Taksil, mapanlinlang, manloloko, hindi mapagkakatiwalaan.

Sa Bibliya, nagpanggap ang diyablo na isang ahas at sinabi kay Eba na maaari siyang kumain ng bunga sa puno ng pagkakilala ng mabuti at masama. Sinabi niyang hindi mamamatay si Eba at magiging katulad siya ng Diyos na nalalaman ang tama at mali. Sinabi niya ito ng parang kaibigan, ngunit ang totoo ay nais niya lamang mapahamak sina Adan at Eba. Nilinlang niya si Eba. Kaya ang "ahas" ay ginagamit upang iparating na ang isang tao ay taksil o mapanlinlang at hindi mapagkakatiwalaan.