Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang ibig sabihin ng tono, diin, haba

Sagot :

Ibig Sabihin ng Tono, Diin, at Haba

Ang tono, diin, at haba ay mga ponemang suprasegmental. Narito ang kahulugan ng bawat isa:

Tono

Sa Ingles, ito ay pitch. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pagbibigkas ng pantig ng salita. Nakatitulong ito upang mas mailahad ng maayos ang pahayag. Ang bilang 1 ang mababa, 2 katamtaman at 3 para sa mataas.

Halimbawa:

Kanina - 231 (nagpapatibay)

Kanina - 213 (nagtatanong)

Diin

Sa Ingles, ito ay stress. Ito naman ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas ng pantig ng salita. Ang malaking titik ang binibigyang diin.

Halimbawa:

BU:hay - kapalaran

bu:HAY - hindi patay

Haba

Sa Ingles, ito naman ay length. Ito ay ang haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.Ginagamit ang tuldok para ipahayag ang haba.

Halimbawa:

bu.kas - susunod na araw

bukas - hindi sarado

Para sa kahulugan ng ponemang suprasegmental, basahin sa link:

https://brainly.ph/question/463840

#BetterWithBrainly