Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

C. Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. (11-15) Itigil Niyo na Yan! Patuloy na pinagtatalunan ang pagbabawal sa pagpapalabas ng mga malalaswang pelikula sa lahat ng sinehan na pag-aari ng SM. Ayon sa pagpapataas ng uri ng industriya sa pelikula manapa’y lalo lamang bababa ang tingin sa ating mga Pilipino ng mga dayuhan. Ito’y sinang-ayunan ng higit na nakararaming Pilipino. Sa aking pananaw, tama lang ang naging desisyon ng SM Management dahil ang mga ganitong klase ng pelikula ay talagang nakapagpapababa ng ating moralidad. Ang mga kabataang bagama’t nasa hustong gulang pag nakapanood ng ganitong pelikula ay nakapag-aasawa nang wala sa oras. Nagiging dahilan din ito para makalikha ng krimen ang ibang tao. Panahon na upang baguhin ang imahe ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ngunit sa kabila ng magandang hangaring ito ng SM Management, maraming artista ang tumutol dito. Paano nga naman, mawawalan ng kita ang mga artistang hindi naman bihasa sa pag-arte at tanging pagbibilad lamang ng katawan ang alam na gawin. Dahil din dito ay mapipilitan din ang mga prodyuser na gumawa ng pelikulang de kalibre at may makabuluhang istorya. Kung magkagayo’y lalaki ang gastos nila sa bawat pelikulang gagawin. Hindi nila masang-ayunan na sila’y gagastos nang malaki dahil sa pangambang kikita lamang sila nang maliit. Tama na yan! Kung gusto ninyo talagang kumita, hindi na kailangan pa ang paghuhubad sa pelikula. Dapat ay gumawa ng mga pelikulang makapagpapabago ng masamang pag-uugali at mag-aangat sa kalagayang panlipunan ng mga Pilipino. 11. Ano ang isyung inilahad sa teksto? A. Ang pagbabawal sa pagpapalabas ng malalaswang pelikula sa mga sinehan ng SM. B. Masamang dulot ng malalaswang pelikula. C. Kawalan ng kita ng mga prodyuser. 12. Ano ang tawag sa tekstong humihikayat sa mambabasang tanggapin ang kanyang posisyon sa isyu? A. naratibo B. informative C. argumentatibo 13. “Tama lang ang desisyon ng SM Management dahil ang ganitong pelikula ay nakapagpapababa ng ating moralidad.” Ang pangungusap na ito’y nagpapahayag ng _________? A. pagsang-ayon B. pagtutol C. pagsalungat 14. Saang bahagi ng teksto unang makikita ang paninindigan ng awtor? A. unang talata B. ikalawang talata C. pangwakas na talata 15. “Hindi nila masang-ayunan na sila’y gagastos nang malaki dahil sa pangambang kikita lamang sila nang maliit.” Anong damdamin ang nangibabaw sa pangungusap na ito? A. pagkalungkot B. pagka-awa C. pag-aalala D. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot. 16. Maaaring isang salita o parirala na nagsasaad kung ano ang isinulat ng awtor. A. paksa C. pangunahing kaisipan B. pamagat D. detalye 17. Ito ang gustong ipaalam o nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. A. paksa C. pangunahing kaisipan B. pamagat D. detalye 18. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon na tumutulong na bigyang linaw ang pangunahing ideya. A. pangunahing kaisipan C. pamagat B. paksa D. pansuportang detalye 19. Isang uri ng teksto na ang nilalaman ay ang isyu, ang posisyon ng may-akda sa isyu at ang kanyang argumentong sumusuporta sa kanyang paninindigan. A. Naratibo C. argumentatibo B. impormatibo D. prosijural 20. Isang usapin na may dalawang panig. A. Isyu C. konklusyon B. Konklusyon D. paksa​

Sagot :

Answer:

11.a.

12.a.

13.a.

14.a.

15.c.

16.b.

17.d.

18.d.

19.b.

20.d.

Carry on learning

Explanation:

Sure po ako dyan

pabrainliest po plss