Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Bakit mahalaga ang pgkapantay pantay

Sagot :

Explanation:

Ang Pagkakapantay-pantay sa lipunan ay ang kalagayan na ang bawat indibiduwal ay mayroong parehong sukat ng opurtunidad upang maabot ang pinakamabuti sa pamumuhay at kakayahan ng tao sa lipunan. Pinaniniwalaan din na walang dapat na naghihirap dahil lamang sa lahi, kung anong pinagmulan ng isa, ano ang kaniyang pinaniniwalaan o kung mayroong siyang kapansanan. Kinikilala ng karapatan sa pagkakapantay-pantay na ang kasaysayan ng daigdig ay nagpakita sa paanuman ng diskriminasyon dahil sa lahi, kakulangan o kapansanan, kayamanan, relihiyon, kasarian at mga kasamang isyu nito. Ang kahalagahan ng pagkakapantay pantay sa lipunan ay napakikita sa mga literature at konstitusyon ng halos lahat ng bansa. Pangunahing nagiging basehan ito sa paggawa ng mga batas, programa at paghatol ng Hukuman. https://brainly.ph/question/1911635 Kahit matatag at malinaw ang mga adhikain, makikit apa din ang hindi pantay na karapatan ng mayamang at mahirap. Isa ito sa lumalaking isyu sa lipunan. Ang mayayaman ay kakaunti lamang ngunit sila ang may hawak sa halos 80% na kayamanan sa buong daigdig. Paghahatian at pag-aagawan pa nga ng kalakhang populasyon ang natitirang 20% na kayamanan. Sila kasi ang mas may access sa kapangyarihan at mga opurtunidad. Ang iba pang pangangailangan at opurtunidad gaya ng sa edukasyon, politika ay madali nilang nakukuha at nawawalan dito ng boses at posisyon ang mahihirap. Malaki na din ang itinagal ng mga organsisyon sa pagpapasulong ng pagkakapantay pantay ng kasarian. Maging ang United Nations ay gumastos na din ng panahon at budget upang pagbutihin ang kalagayan ng mga kababaihan at ngayon naman ay ng mga nasa LGBT community. https://brainly.ph/question/2030603; https://brainly.ph/question/1293602

Kung ang daigdig ay makakagawa lamang ng permanenteng solusyon, mga hakbang tungo sa pagkakapantay pantay, tiyak na lalabas ang likas na pangangailangan ng tao sa pagkakapantay-pantay. Pero tila ba !along lumalayo ang agwat ng bawat sektor. Hindi nagkakasundo maging ang mga inaasahang magbibigay ng patnubay dito. Maraming tao ang nagsikap na ibuwis ang buhay para dito ngunit magpahanggang ngayon, hindi pa din naaabot ng tao ang tunay na pagkakapantay-pantay.