IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
"Panganib na dulot ng mga software tulad ng virus at malware"
Malware o Malicious Software
- Idinisenyo upang makasira ng computer
- Ilegal na kumukuha ng impormasyon mula sa computer
Ilang karaniwang uri ng malware:
1. Virus - program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
Mas matindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nito ay W32 SFCLMOD
2. Worm - isang nakakapinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang mga computer sa pamamagitan ng isang network.
3. Adware - software na awtomatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga anunsyo o advertisment sa computer.
4. Keyloggers - malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at ipadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal na data ng mga biktima.
5. Dialers - software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit sa internet connection.
6. Trojan horse - isang mapanirang program na nagkukunwaring isang kapaki-pakinabang na application (app) ngunit napipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski trojan
Ano ang Computer virus?
Ang Computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang mapanira ang lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer.
Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili.
Karaniwan itong pumapasok sa mga computer ng walang pahintulot mula sa gumagamit o user.
Explanation:
Hope this helps, Miri out. <3
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.