Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Tekstong Babasahin
Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)
Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.
COM
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-
ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang
aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.