Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Sinasabi ng ating mga magulang na ang mga kabataan noon ngayon ay magalang, mabait, masunurin,walang bisyo at marami pang iba na mga positibong katangian ng mga kabataan. Sinasabi rin nila na tignan lamang sila ng kanilang magulang ay takot na takot na sila. At hindi si makapalag sa mga magulang nila. Ang kabataan din daw noon ay maayos ang mga pananamit lalo na sa mga kababaihan. Mapagkumbaba rin daw ang mga kabataan noon at may utang na loob sa kanilang mga magulang. Pagdating sa panliligaw, ang mga kababaihan noon ay hindi agad nakukuha ng lalaki sapagkat kailangan munang dumaan ng lalaki sa mga pagsubok na ipapagawa sa kaniya ng mga magulang nung babae. Ang kabataan noon ay puro larong kalye lamang ang alam. Dahil hindi pa uso noon ang mga gadyet, internet at kung ano ano pang makabagong teknolohiya.
Ang mga kabataan naman ngayon ay ibang –iba na sa kabataan noon. Kung dati ay napakagalang ng mga kabataan, ngayon naman ay nasusubukan ng sumagot ng mga bata sa kanilang magulang. Hindi na rin sinusunod ang bawat inuutos ng mga magulang. Magulang na rin ang natatakot sa mga bata kapag sila ay tinititigan ng masama. Mahilig ng mangatwiran ang mga bata ngayon kaya’t nasasabi nilang wala ng galang ang mga ito sa kanilang mga kapwa. Ang kabataan ngayon, lalo na sa kababaihan ay hindi na maayos ang pananamit. Nauso na kasi ang mga iba’t-ibang istilo ng damit na kita na ang ibang parte ng katawan. At pagdating sa panliligaw, karamihan sa mga kababaihan ngayon ay sinasagot agad ang kanilang manliligaw. Kadalasan pa nga ay patago silang nagmamahalan. Hindi nila sinasabi sa kanilang magulang lalo na ang mga babae na sila ay may kasintahan na. Ngayon, hindi na gaano nakakapaglaro ang mga kabataan ng mga larong panglansangan. Dahil, karamihan sa mga ito ay mayroon ng mga sari-sariling gadyet na pwedeng paglaruan ng mga kabataan.
PA BRAINLIEST PO! :)
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.