Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Pasagot naman po ito​

Pasagot Naman Po Ito class=

Sagot :

Answer:

1.tayo

2.kanyang

3.sila

4.ating

5.dito

Explanation:

hope its help

Pa brainly po

SAGOT:

11. Hindi tayo magpapatalo sa mga hamon ng buhay sapagkat ang mga Pilipino ay matapang na humaharap sa anomang pagsubok.

(Nauuna ang panghalip na tayo na humahalili sa pangngalang Pilipino kaya ang pahayag ay nasa anyong kataporik.)

12. Nagsusumikap si Mark sa pag-aaral nang sa gayon ay matupad ang lahat ng kaniyang minimithi sa buhay.

(Nauuna ang pangngalang Mark sa panghalip na kaniya na humahalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.)

13. Ang mga hayop ay dapat na inaalagaan at hindi pinagmamalupitan sapagkat sila ay may buhay din tulad ng tao.

(Nauuna ang pangngalang hayop sa panghalip na sila na humahalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.)

14. Hindi malilihis ang landas ng mga kabataang marunong makinig sa payo ng kanilang mga magulang.

(Nauuna ang pangngalang kabataan sa panghalip na kanila na humahalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.)

15. Payapa at simple ang buhay sa probinsiya kaya naman marami ang nais na manirahan dito.

(Nauuna ang pangngalang probinsiya sa panghalip na dito na humahalili rito kaya ang pahayag ay nasa anyong anaporik.)

EKSPLENASIYON:

Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

:• Ang mga pangngalan ay may mga pananda na ginagamit sa pangungusap upang ang mga ito ay hindi na muling babanggitin sa pangungusap. Ito ay mga salita na nakakawing sa mga salita, parirala o sugnay.

Maiiwasan ang pag-uulit sa pangngalan kung gagamit ng mga panghalip tulad ng siya, sila, niya, tayo, kanila, kaniya, atbp. bilang panghalili sa ngalan ng tao. Ginagamit naman ang mga pananda o panghalip na ito, iyon, dito, rito, doon, roon, atbp. bilang pananda o panghalili sa ngalan ng bagay, lugar, hayop o pangyayari.

1. Anaporik o Anapora - Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan ng teksto o pahayag.

Mga Halimbawa:

a. Si Jun ang pinakamatahimik sa aming klase. Halos hindi siya umiimik.

b. Sa hardin ng aming paaralan ay pinalilipas niya ang recess time at marahil ay doon din niya inuubos ang kaniyang baon.

2. Kataporik o Katapora - Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.

Mga Halimbawa:

a. Hindi lamang iisang beses ko siyang nakitang umalis sa aming silid-aralan sa tuwing tutunog ang bell na hudyat ng recess time. Palaging ginagawa iyon ni Jun.

b. Ang oras na iyon ay napupuno ng kanilang malalakas na tawanan at kuwentuhan kasabay ng bawat subo at nguya sa mga baong pagkain ng aking mga kamag-aral.