Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

 TAMA O MALL. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap o pahayag at suriin kung tama o mali ang isinasaad ng mga ito. BILUGAN ang letrang T kung ito ay tama Bilugan naman ang M kung ito ay mali pagkatapos ay salungguhitan ang salita o mga salitang nagpapamali at ISULAT ang tamang salita o mga salita sa nakalaang patlang. T M__________ 1. Ang takot at kawalan ng tiwala ang nagtulak sa malalakas na bansa upang maghanap ng proteksiyon sa pamamagitan ng alyansa. T M__________ 2. Ang agresibong nasyonalismo, imperyalismo, militarismo, at alyansa ang nagtulak sa Europe tungo sa digmaan. T M__________ 3. Ang isang alitang lokal ay maaaring maging malaking digmaan. T M__________ 4. Ang pinakamatinding kompetisyon ng mga bansa sa militarismo ay sa pagitan ng hukbong pandagat ng Britain at Germany. T M__________ 5. Ang "No Man's Land" ay lugar o lupain kung saan nagaganap ang magkabilaang opensiba ng mga sundalong French at German. T M__________ 6. Malawakan ang paggamit ng mga tangke at torpedo noong unang digmaang pandaigdig. T M__________ 7. Sa Labanang Marne ay mga German ang nanalo. T M__________ 8. Ang layunin ng Kasunduan sa Paris ay upang magpulong para sa muling pagdeklara ng digmaan. T M__________ 9. Maraming buhay ang naisakrapisyo sa naganap na unang digmaang pandaigdig. T M__________ 10. May mga pagsisikap na ginawa upang matamo ang kapayapaan pagkatapos ng naganap na digmaan.​