IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Ang Alamat ng Baboy
Noong unang panahon, sa isang malayong pook. May naninirahang mag-asawa, si Mang Kanor at si Aling Tasing. Babago pa lamang kasal ang mga ito ngunit sabik na sabik na silang mabiyayaan ng isang sanggol. Mabait at mapagmahal na asawa si Mang Kanor kung kaya't halos lahat ng luho ng asawa ay ibinibigay nito sa kabila ng kahirapan nila sa buhay. Taon ang lumipas sa kanilang pagsasama subalit di pa rin sila biyayaan ng supling. Hanggang sa lumapit sila sa isang manggagamot upang humingi ng tulong.
"Inumin mo ito pagsapit ng kabilugan ng buwan sa susunod na gabi" ani ng matanda sabay abot kay Aling Tasing ng isang buto ng kung ano puno.
Pagsapit ng kabilugan ng buwan ng sumunod na gabi, sinunod ni Aling Tasing ang utos ng manggagamot. Kinaumagahan, naunang magising si Mang Kanor upang ipagluto ang asawa. Maya-maya pa ay dali-daling lumabas sa kwarto ang babae at dumiretso sa kubeta. Mula sa kusina ay rinig ni Mang Kanor ang pagduduwal nito. Sa sobrang kasiyahan at pagnanasa na sana'y buntis si Aling Tasing, kaagad din silang nagtungo sa bahay ng manggagamot. Dala ang isang bilaong naglalaman ng kakanin ay ibinigay nila ito pagkatapos ihayag ng manggagamot na buntis nga ang babae. Lumipas ang buwan, palaki ng palaki ang tiyan ni Aling Tasing. Hanggang sa dumating ang araw na isinilang na nito ang kanilang supling. Labis na kasiyahan ang nadama ng dalawa. Pinangalanan nila itong Biboy Sa sobrang pagmamahal nila sa anak ay halos sambahin na nila ito.
Maraming taon rin ang dumaan, matanda na ang mag-asawa. Ang anak naman nilang si Biboy ay malaki na rin. Ngunit, napakatamad nitong binata. Kumain at tumulog lamang ang alam nitong gawin. Maski ang paliligo ay kinatatamaran na rin nito. Halos lahat ng kaniyang luho o kagustuhan ay sinusunod ng kanyang mga magulang..hanggang sa nagkasakit ang kaniyang ama na siya rin nitong ikinamatay.
Matanda na ang kaniyang ina ngunit ito pa rin ang gumagawa ng paraan para sa ikabubuhay nilang dalawa. Isang araw, inutusan ni Aling Tasing si Biboy na kumuha ng kahoy sa gubat sapagkat siya ay masama ang pakiramdam. Sa sobrang katamadan ni Biboy ay lumuhod pa upang magmakaawa ang ina para masunod ang pakiusap nito. Sa kasamaan ng kalooban, padabog na lumabas si Biboy ng bahay na may dalang itak. Nagtungo siya sa gubat upang gawin ang utos ng ina.
Hapon na ay di pa rin umuusi si Biboy sa bahay. Mula umaga ay nag-aantay na si Aling Tasing sa pagdating ng kaniyang anak. Ngunit ni anino ay di pa rin niya masulyapan. Maya-maya lamang ay isang hayop ang sumulpot mula sa kung saan na siyang ikinagulat nito. Ang hayop ay may matabang katawan,kataasan ngunit may kalakihan. Agad na pumasok sa isip ni Aling Tasing na halos kapareho ng kaniyang anak ang kaanyuan nito. Kaibahan lamang, si biboy ay tao at ang isa naman ay hayop. Naisipan ni Aling Tasing na gumawa ng kulungan para rito. Ito ang nagsilbi niyang daan upang maiwasan ang lungkot ng pangungulila sa kaniyang anak. Habang tumatagal ay napapansin niyang pati ang asal ng hayop na iyon ay ganoon sa asal ng kaniyang anak. Tinawag niya itong biboy dahil ang tangi lamang gawin nito ay kumain at matulog. Marami sa mga kakilala ni Aling Tasing ang nakasaksi tungkol dito. Di kalaunan ang biboy na pangalang itinawag ni Aling Tasing sa hayop ay nag-iba dahil na rin sa pagdami ng bumibigkas nito. Hanggang sa naging "baboy" na ang tawag nito. Ngunit ang hayop na ito ay nananatiling palatandaan na ganitong-ganito si Biboy. Hanggang ngayon baboy pa din ang tawag sa hayop na ito. Malaki, mataba ngunit di kataasan at nananatili ang katamaran kung saan pagkain at pagtulog lamang ang alam.
Explanation:
ang hudyat ng simula ay "Noong unang panahon" ang gitna ay diko alam. hanapin mo na lang. ang wakas ay "Di Kalaunan" "Hanggang Ngayon"...
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.