IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

. Ano ang paksa ng sanaysay? 2. Bakit idineklara na walang klase? 3. Ilarawan ang sitwasyon sa Kamaynilaan kaugnay ng bagyo. Ano-ano ang mga salitang naglalarawan ang ginamit sa teksto? 4. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “ang basurang itinapon mo ay babalik sa iyo”? 5. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang ganitong sakuna?

KWENTO:

-Ang Gantimpala Sa Mga Pabaya

Napakadilim at napakalakas ng hangin sa buong Maynila na nagdulot ng mataas

na pagbaha sa malaking bahagi nito. Sa aming lugar sa Fairview, Quezon City,

walang ni ga-talampakang baha kaming natamo ngunit noong rumaragasa ang ulan,

ang aking dibdib ay parang bolang patalbog-talbog habang naririnig ko ang

pagdampi ng mabibigat na patak ng ulan sa aming bubungan at kaluskos ng

malakas na bulong ng hangin. Ang pakiramdam na ito ay pinaigting nang sinabayan

ng mala-pintong pagalit na ibinagsak ng kulog at kidlat.



Noong unang araw ng pag-ulan, palihim ako na nananalangin na sana ay

umulan pa para mawalan muli ng klase. Ayun, lumakas ang ulan at idineklarang

walang klase. Dahil sa labis na pagkabagot tumutok na lamang ako sa aking mga

paboritong palabas, balita sa telebisyon, at nag-internet upang maging una sa mga

anunsyo patungkol sa klase para sa susunod pang araw at malaman din ang

sitwasyon ng aking mga kababayan.

Habang nanonood ako ng balita nangingilid ang aking luha, napaupo na lamang

sa isang tabi at naglalaro sa aking isipan na paano kung naroon ako sa sitwasyon na

yun? Naiisip ko ang bawat pangyayari. Weeeng! Weeeng! Weeeng! Ito na ang hudyat

upang sinupin ang kagamitan. Kasabay sa malakas na pag-iyak ng langit tila ba’y

isdang nagkukumahog ang mga tagapagligtas na lumalangoy sa kulay tsokolate,

amoy palengke at mabasurang tubig na sumasakop sa kalsada ng kalakhang

Maynila para mailikas ang mga tao. Ang mga residenteng inililigtas ay nanginginig,

namumutla, at kumakalam ang sikmura. “O Diyos ko, tulungan nyo po kami”

tanging daing nila.

Labis na nakalulungkot ang tinatamasa ng ating bansa ngayon ngunit hindi ko

rin naman maibaling ang sisi sa kalangitan, mga puno, halaman, at hayop sa mga

sakunang kagaya na lamang nito dahil kung ating susuriin ay ang kapabayaan din

naman ng mga tao ang dahilan nito. May kasabihan nga tayong, “ang basurang

itinapon mo ay babalik sa iyo”. Sana nagsilbing aral ito upang mabago tayo sa

masasama nating gawain kagaya na lamang ng pagtatapon ng basura kung saansaan na kalaunan ay bumabara sa mga estero. Naniniwala akong hindi pa huli anglahat sa pagbabago kaya magsikap tayo para sa ating inang bayan dahil tayo at ang

susunod pang henerasyon rin ang makikinabang dito.