Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Sumulat ng pangwakas na pangungusap tungkol sa paksang "Ang Wikang Filipino".​

Sagot :

Answer:

Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang Tao bagkus ay isang sisidlan na nagpapahayag ng isang aspeto ng pagkakaisa ng isang komunidad o bansa. Ang wikang Filipino ay hindi lang isang paraan ng pakikipag usap sa kapwa kundi ginagamit rin ito upang maiparating ang iyong saloobin at kaisipan ukol sa Isang bagay.

Ayon sa paniniwala ng llang profesor ng UP diliman, wikang Filipino raw ang dapat na gamitin sa pagtuturo ng mga guro sa Pilipinas, sapagkat mas madaling matuto ang mga mag aaral kung ang wikang kanila ang ginagamit mismo.

Ayon sa isang sanaysay, ang wikang Filipino ay instrumento upang magkaunawaan ang mga tao sa lipunan. Ngunit hindi lang isang instrumento ang wikang Filipino. Ito ang nagsisilbing salamin ng ating bansa.

Filipino ang Lingua Franca ng ating bansa at

ginagamit bilang midyum sa pagtuturo upang

mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga

tinuturo sa kanila ng kanilang mga tagapagturo.

Ito ay nagpapahiwatig na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakabase sa wikang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo..

Tuwing Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang

"Buwan ng Wika" sa buong Pilipinas. Ito'y hindi

lamang isang Selebrasyon kundi isang paalala

na ang Wikang Filipino ay karapat-dapat na

tangkilikin ng kaniyang sariling anak.

Ang Kabataan ang Pag-asa ng bayan, ngunit paano natin maiiahon ang Lupang sinilangan kung ang ating inang wika ay hindi Mapangalagaan?. Tayo ang pag-asa ng bayan sa hinaharap kung kaya ay dapat natin itong tangkilikin ng lubusan upang sa susunod na henerasyon ito ay mapakinabangan. Anak tayo ng Pilipinas at obligasyon natin na mapalago hindi lang ang bansa kundi pati narin ang ating sariling wika.

Ayon nga kay Gat. Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal ng sariling wika ay mas masahol pa kesa sa mabangis na Hayop at malansang isda". Mahalin natin ang ating inang wika dahil ang taong "hindi marunong tumanaw sa pinanggalingan ay hindi makaka-abot sa kanyang paroroonan".

Ang pagkatuto ng ating sariling wika ay isang

daan upang tayo ay magkaintindihan tungo sa

maunlad na pagkakaisa ng ating bansa.

Ipakita natin sa Iba na tayo ay Pilipino at taas noo'ng irampa na tayo ay isang anak ng ating bansang Sinilangan. Wikang naging Instrumento sa pagkakaroon ng magandang edukasyon at mabisang komunikasyon. Wikang somisimbolo sa ating pagka-Pilipino