Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

kung sino po makakasagot po dito ay ipapa brainliest ko po





May Babala ang Bagyo
(Pinaikling kwento galing sa Hiyas sa Pagbasa 1V, pahina 158-160)

Mahimbing na mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.Napakalamig kasi ng panahon. Ang lakas-lakas ng hangin at walang tigil ang malakas na ulan.

Nagising si Andrea. Ginaw na ginaw siya. Natanggal kasi ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan.

“Signal number two”, ang sabi ng tagapagbalita sa radyo. “Ang ibig sabihin, sa loob ng 24 na oras, papalapit ang masamang panahon. Ang dumating na hangin ay may lakas na 80 hanggang 100 kilometro bawat oras. Walang pasok sa mga paaralan, elementarya at haiskul. Ang lahat po ay pinag-iingat.”

Nag-isip siya. Naalala niya ang napag-aralan nila sa paaralan tungkol sa bagyo. Kapag signal number one, sa loob ng 36 na oras ay maaaring dumating ang hanging may lakas na hindi hihigit sa 60 kilometro bawat oras. Kapag signal number two, ang hangin ay may lakas na 60 hanggang 100 kilometro bawat oras. Kapag signal number three, sa loob ng 12 hanggang 18 oras, maaaring dumating ang hanging may lakas na higit ang hanging may lakas na higit sa 100 kilometro bawat oras.

Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata. Inalis nang tuluyan ang makapal na kumot na bumabalot sa kanyang katawan at siya’y bumangon. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo upang ganap silang makapag-ingat.

Panuto :.Basahin ang kwento tungkol sa babala ng bagyo. Isulat ang bilang 1-5 mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.




1. Nagising siya at narinig ang balita sa radyo. --choose a answer-- --> A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 ----



2.Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo --choose a answer-- --> A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 ------



3. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea. --choose a answer-- --> A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 ------




4. At sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na kumot at patuloy na nakinig ng balita. --choose a answer-- --> A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 ------



5. Naalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa bagyo. --choose a answer-- --> A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 E. 5 ------


Sagot :

Answer:

1.B

2.C

3.A

4.E

5.D

Explanation:

it's right??