Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

Ano ang mga programang pangkapayapaan o pangkaularan sa ilalim Ng Elpido R Quirino​

Sagot :

Answer:

1. Elpidio Quirino Pangalawang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 – Disyembre 30, 1953 “Ang una kong tungkulin ay ang pagpapanumbalik ng katahimikan at kaayusan at ang tiwala sa pamahalaan. Ang pangalawa ay ang pagbibigay ng kaginhawaan sa mga mamamayang nasa magulong pook”

2. Hindi pa natatapos ang panunungkulan ni Roxas nang siya’y mamatay. Patuloy pa rin ang suliraning kanyang sinikap lutasin. Ito ang namana ni Elpidio Quirino nang siya ay manumpa bilang pangulo ng Republika. Sinuri ni Quirino ang kalagayan ng bansa upang maging batayan ng palatuntunan ng kanyang pamahalaan at nalaman niya…

3. Mga Suliraning Kanyang Kinahrap ang bansa ay nasa kritikal na kalagayan sa kabuhayan, pulitika at lipunan nang siya ang umupo bilang kahaliling pangulo ni Roxas. Ilan sa mga suliraning ito ang mga sumusunod *pag-angat ng kabuhayan ng bansa, *pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa,

4. Mga Suliraning Kanyang Kinahrap * pagpigil sa ginagawang panliligalig ng mga kasapi ng HuK * pagbabalik ng tiwala ng taong-bayan sa kakayahan at katapatan ng pamahalaang nawla dahil sa malawakang kabulukan at katiwalian noong panahon ni Roxas.

5. Mga Programa at Patakaran Sa panahon ng administrasyong Quirino ay pinagtunan niya ng pansin ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng Industriyalisasyon. Upang maisulong nang lubos ang kanyang programa hinggil sa pagpapataas ng antas ng buhay ng mga Pilipino ay ipinatupad rin niya ang mga sumusunod…

6. Mga Programa at Patakaran *pagpapaunlad ng sistema ng patubig o irigasyon sa buong bansa na kailangan sa pagsasaka, *pagpapagawa ng mga lansangan upang mapabilis ang transportasyon partikular na ang mga farm-to-markets roads,

7. Mga Programa at Patakaran * pagsasagawa ng lingguhang pag-uulat sa taumbayan sa pamamagitan ng radyo at pahayagan ukol sa mga gawain ng kanayang administrasyon * pagtatatag ng President’s Action Committee on Social Amelioration o PACSA upang matugunan ang pangangailangan ng mahihirap at nasalanta ng kalamidad

8. Mga Programa at Patakaran * pagpapatayo ng mga bangko rural na nagpapautang ng kapital sa mga magsasaka * pagtatatag ng Bangko Sentrla ng Pilipinas (BSP)

9. Ngunit sa kabila ng ginawang pagsisikap ni Pang. Quirino na paunlarin ang kalagayan ng ekonomiya ng bansa ay patuloy pa ring dumanas ng hirap ang mga mamamayan dahil sa kakulangan ng bigas, mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin at kawalan ng trabaho ng mga tao.

10. HUKBALAHAP • Ang pinakamalaking pangkat ng mga gerilya ay ang HUKBALAHAP (Hukbo ng Bayan laban sa Hapon) na itinatag ni Luis Taruc. Ito ay binubuo ng mga magsasaka mula sa Gitna at Katimugang Luzon.

11. Pagharap sa Suliranin sa HUK Isa sa mga ginawang hakbang ni Quirino upang masugpo ang paglaganap ng pananalasa ng mga Huk sa bansa ay ang pagpapalabas ng proklamasyon noong Hunyo 21, 1948 hinggil sa pagbibigay ng amnestiya (ganap na pagpapatawad) sa mga kaspi ng Huk na magsusuko ng kanilang sandata sa loob ng 50 araw.