Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano-anong mga Gawain ang nakalilinang ng flexibility o kahutukan? paano mo ito malilinang?

nonsense- report
not nonsense-no report​


Sagot :

Answer:

Flexibility o Kahutukan

Ito ay maaaring magawa sa pamamagitan ng kakayahan ng isa na makaunat ng ating kalamnan o kaya kasukasuan para makaabot ng isang bagay na malaya. Mahalaga ang pagkakaroon ng kahutukan para sa mga gawain natin. At kung wala o hindi sapat ang kahutukan sa katawan natin baka magdulot ito ng pagpapahirap.

Tingnan ang ilan sa mga gawain na tutulong sa ating na malinang ang flexibility o kahutukan:

> Pag-uunat natin

> Pag-abot ng mga bagay na maituturing na mataas sa atin

> Pagwawalis

> Pagsasayaw

> Pagpitas ng mga punong bunga

> Pagkakarate

> Paglalaro natin ng basketball

Paano malilinang ang ilan sa mga halimbawang binanggit?

Magagawa lamang natin ito kung tayo ay magsisikap na isagawa ito at pagsasaisip ng kapakinabangan sa pangangatawan. Maaari natin subukan ang ilan sa mga gawain sa bahay natin tulad ng pagbubuhat ng mga bagay, pagwawalis at paglilinis ng sahig at sa tuwing bumabangon kapag nakahiga tayo. Magsikap ng gumawa ng ilan sa mga bagay na ito para masanay ang katawan natin at hindi na tuluyang mahirapan.

> Kapag tayo ay nagsikap ng husto na makalinang ng flexibility ay makakatulong na matamo natin mismo ang antas ng physical fitness. Kaya masasabing mahalagang bagay na malaman at mapaunlad ito sa buhay natin habang tayo ay bata pa. Gayundin, kung nais natin na mapaunlad ang kahutukan sa pangangatawan natin, kailangan ito ay patuloy na proses at hindi ititigil. Huwag hayaan na maging tamad sa bagay na ito sapagkat hindi naman ito nakukuha sa isang gawain o pagkilos lamang. Kaya dito masusubok ang pagtitiyaga natin at pagmamalasakit sa kapakanan ng katawan natin.

> Tandaan natin na itong mga gawain na ito ay alang-alang sa kapakinabangan natin. Magsikap na gawin ito at gumawa ng schedule upang maisagawa natin ito araw-araw. At lahat ng bagay na ito ay tiyak na magdudulot ng kabutihan sa pisikal na kalusugan natin.

Kung may pagnanais ka pang makapagbasa ng higit pang detalye hinggil sa flexibility, puwede ka pang bumisita dito sa mga link na ito na nasa ibaba:

Ang kasingkahulugan ng salitang ehersisyo: brainly.ph/question/181497

Isang essay hinggil sa timbang ay iwasto sa pagkakaroon ng tamang ehersisyo at nutrisyon: brainly.ph/question/173105

Ang kahulugan o ibig sabihin ng physical fitness: brainly.ph/question/56806

#BrainlyEveryday

Explanation: