IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
Narito ang apat (4) na paraan ng pagpapalawak ng pangungusap:
1. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
2. Paggamit ng mga Panuring
3. Pagsasáma ng mga Pamuno sa Pangngalan
4. Paglalagay ng Kaugnay na mga Parirala
Pagtalakay:
1. Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
Isinasáma ito sa pangungusap upang maging mas malinaw ang mensaheng nais iparating.
Mga Halimbawa ng Ingklitik:
man
naman
kayâ
kasi
yata
ba
pa
muna
palá
na
daw/raw
din/rin
lang/lámang
Kung gagamitin ang mga ito sa pangungusap, mapapansin natin na iba ang kahulugan ng mga pangungusap na may ingklitik sa mga pangungusap na walang paningit.
[Hangad ko na marunong na kayóng gumamit ng mga ito sa pangungusap. MAAARI NINYONG IPOST DITO ANG INYONG SARILING PANGUNGUSAP NA GINAGAMITAN NG INGKLITIK BILANG KOMENTO.]
2. Paggamit ng mga Panuring (Modifier)
2 Kategorya ng mga Panuring:
1) pang-uri na panuring sa pangngalan at panghalip
2) pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
Batayang Pangungusap:
Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri:
Ang MAKASAYSAYANG Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.
[Sa pangungusap na ito, ang MAKASAYSAYANG ay ang pang-uri at tumuturing sa pangngalang GREAT WALL OF CHINA.]
Batayang Pangungusap:
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-abay at Pang-uri:
Ang mga mamamayan ay MASIGABONG nagbunyi sa pagbagsak ng SAKIM na pamahalaan.
[Sa pangungusap na ito, ang MASIGABONG ay isang pang-abay na panuring dahil ang binibigyang turing ay ang NAGBUNYI na isang pandiwa. Samantala, ang SAKIM ay ang pang-uri na panuring na tumuturing sa pangngalang PAMAHALAAN.]
3. Pagsasáma ng mga Pamuno sa Pangngalan
Pamuno -> pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan/panghalip.
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.