IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

sumulat ng salaysay na nagpapakita ng Sanaysay Nabigyang halaga ng mga Pilipino ang pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. ​

Sagot :

Answer:

Sanaysay sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pagkamit ng kalayaan

Ang Araw ng Kalayaan ay isang makasaysayang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas laban sa pananakop ng Espanya. Pinangunahan ni Heneral Emilio Aguinaldo ang pormal na proklamasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ito ang araw ng kasarinlan ng Pilipinas na taon-taon ay ipinagdiriwang ng Pilipinas.

Ang Araw ng Kalayaan ay isa ring pagpupugay at paggunita sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay upang ang Pilipinas ay maging malaya hinggil sa mga dayuhan. Kaya't nang mamulat ang mga Pilipino sa mga pang-aaping ginawa ng mga dayuhan nagsumikap ang lahat at nagkaisa upang matapos at maiwaksi ang mga hindi tamang pagtrato ng mga dayuhan. Ang mga Pilipino ay lumaban upang makamit ang hinahangad na kalayaan.

Maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay sa kanilang iba't ibang paraan laban sa mga mananakop na mga dayuhan. Nang naglaon, dahil sa pagkakaisa at pagtutulugan ng lahat, nakamit ng mga Pilipino ang kalayaan.

Para sa karagdagan pang kaalaman magtungo sa mga link na: