IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto ay sumasagot sa iyong mga tanong. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Answer:
- Ang pagsusunog ng basura ay may epekto sa lahat hindi lang sa mga tao kundi pati narin sa ating kapaligiran katulad ng :
- Pagdami ng greenhouse gases. Ang greenhouse gases ay mga elementong hangin na nakakapagpataas ng temperatura ng ating planeta sa pamamagitan ng pagharang sa pagsingaw ng init ng ating planeta. Binabalik nito ang init sa lupa na nagsasanhi ng patuloy na pagtaas ng temperatura. Kasama sa mga greenhouse gases ang carbon monoxide, carbon dioxide, sulfur dioxide, at nitrous oxide na nailalabas kapag nagsusunog tayo ng basura. Air pollution. Nagsasanhi ng air pollution ang pagsusunog ng basura bukod sa pagdami ng greenhouse gases. Ang mga elementong hangin gaya ng carbon monoxide, sulfur dioxide, at nitrous oxide ay nakapagdudulot ng sakit sa baga at sa utak dahil napipigilan nito ang pagbibigay ng oxygen sa utak. Acid rain. Ang pagdami ng carbon dioxide, carbon, at sulfur dioxide sa atmosphere ay nakapagdudulot ng pagiging acidic ng ulan. Tinatawag itong acid rain. Kapag ito ay bumagsak sa lupa, ito ay mapinsala sa kalusugan ng tao, hayop, mga halaman, nakasisira din ito ng mga istruktura at maging pati ang dagat ay sumasama ang lagay dahil dito.
Explanation:
Answer:
-----------------------------------------------------------
pwede ikasisira ng ating kalikasan at maaapektuhan Ang mga tao pati na Rin Ang ating ozone layer.
-----------------------------------------------------------
Explanation:
sanà makatulong ☺️
XxxRemiexxX12
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magpapaunlad ng kaalaman para sa lahat. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.