IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Gamiting gabay ang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Ikatlong Markahan-Modyul 2 Isulat sa isang buong papel ang iyong mga kasagutan sa bawat Gawain. Basahin ang SURIIN na nasa pahina 7-14 ng inyong bagong modyul. SURIIN: MGA PANANAW TUNGKOL SA PANAHON 1. Ang oras at panahon ay walang wakas. Ito ay nangangahulugan na wala itong simula at wala rin itong wakas. Naisusulat ang nalalaman ng tao na sukatin ang panahon sa pamamagitan ng taon, buwan, araw, minuto at segundo. Ang tao rin ang nag-iisip upang mangahulugan ang panahon bilang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Ang oras at panahon ay kumikilos at tuloy-tuloy, kaya ang kahapon ay hindi mangahuhulugan na ngayon. 2. Ang buong kalawakan ay gumagalaw at nangyayari ayon sa disenyo ng pagdaan ng oras at panahon. 3. Ang oras at panahon ay malayang lakas o pwersa. Hindi mahihintay ng oras at panahon ang sinuman. 4. Ang oras at panahon ay maaaring may katumbas na halaga ng pera. Ang isang minuto na hindi ginamit nang wasto ay hindi na kailanman maibabalik- patunay rito ang kasabihang. “Time slips away like grains of and never to return again.” Kapag inaksaya mo ang iyong panahon ay aaksayahin ka rin ng panahon mo. 5. Ang panahon ang pinakamabisang gamot. Sinasabi na lahat ng mga sugat ay naghihilom sa pagdaan ng panahon. Ang mga pinsalang idinulot ng mga nangyari ay maari pa ring maghilom sa pagdaan ng panahon. Kinakailangan lamang ng kapatawaran at paglimot ng mga kinauukulan sa mga hindi magandang pangyayari. 6. Ang panahon ay itinuturing na matalas na tagapayo o wise counselor. Sa pagdaan ng panahon, nakabubuo ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-uugali ang tao mula sa iba’t ibang karanasan na kaniyang pinagdaraan sa buhay. KAHALAGAHAN NG WASTONG PAMAMAHALA NG PANAHON O TIME MANAGEMENT Ang wastong pamamahala ng oras at panahon o time management ay ang mabisang paggamit ng panahon upang magawa ang tamang gawain sa tamang panahon. Ang wastong pamamahala ng panahon ay may anim na paksa o tema: 1. pagplano nang mabisa at makatotohanan 2. paglikha ng mga kondisyon upang maging mabisa ang paggamit ng panahon 3. pagtalaga ng mga priyoridad 4. pagtakda ng deadline o takdang petsa para tapusin ang gawain 5. pagkaroon ng priyoridad ayon sa kailangang gawain kaagad-agad at mahalaga; at 6. paggamit ng tamang haba ng panahon para sa bawat bahagi ng priyoridad PAMAMARAAN SA PAGLIKHA NG MGA KONDISYON SA MABIGANG PAGGAMIT NG PANAHON -Maging organisado. -Pangalagaan ang iyong oras kung nasimulan ang mga hakbang para sa paggawa -Gampanan ang mga dapat gawin nang nakatuon ang damdamin sa mabuting bunga na iyong nais mangyari. -Huwag hayaang matalo ng mga maling ugaling nakagawian na. KAHALAGAHAN NG WASTONG PAMAMAHALA NG ORAS AT PANAHON 1. Magiging higit na mabisa at di-maaksaya ang paggamit ng oras at panahon. 2. Maiiwasan ang pakiramdam ng labis na kapaguran dahil sa pag-aapurang tapusing ang mga gawain sa kakaunting araw at panahon. 3. Maiiwasan ang pakiramdam na wala nang magagawa sa maikling panahong nalalabi. 4. Magiging kasiya-siya ang tuon sa paggawa. 5. Nakakabuto ito ng pakiramdan sa tao na siya ay may nagagawa o nagkakaroon ng sense of achievement para sa sarili o sa kanyang samahan. 6. Para sa isang mangagawa, nakikilala ng tao na may wastong paggamit ng oras at panahon na matapat, disiplinado, masipag, at mapagkakatiwalaang bahagi ng samahan. NAGIGING MAS MAGANDA ANG TAKBO NG BUHAY NG TAO NANG MAY WASTONG PAMAMAHALA NG ORAS AT PANAHON. GAWAIN 1: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa PAGYAMANIN A sa pahina 14. Isulat sa iyong sagutang papel. PAGYAMANIN A. 1. Ano-ano ang karaniwang dahilan kung bakit hindi nagiging kapaki-pakinabang ang pagdaan ng mga araw ng ilang kabataan? 2. Magbigay ng mga tunay na pangyayari na naglalarawan sa mga nasasayang na oras at panahon ng mga kabataang Pilipino. 3. Tukuyin ang mga dapat isaalang-alang upang mahikayat ang mga kabataan na gamitin ang kanilang oras at panahon upang maging kapaki-pakinabang. 4. Bakit kailangang malaman ng kabataang katulad mo kung ano ang dapat unahin? 5. Ipaliwanag ang mga magiging pakinabang para sa iyong pagkatao na matukoy ng maaga ang iyong mga prayoridad sa kasalukuyan. GAWAIN 2: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ISAISIP B sa pahina 15. Isulat sa iyong sagutang papel. ISAISIP B: Paano ang wastong pamamahala ng oras at panahon upang magampanan ang mga tungkulin nang may prayoritisasyon para sa kaayusan sa paggawa?​

Sagot :

Answer:

.Among the phases of the writing process, which is difficult for you? 3.How did you deal with it?