Answer:
Ang mga hakbang upang makamit ang mga pangarap
- Una dapat gumawa ka ng listahan ng mga hakbang na dapat gawin upang makamit ang iyong mga pangarap, upang may guide ka kung papaano ito sisimulan at mapagtatagumpayan.
- Magsipag, ang isang tao na mayroong pangarap ay dapat magsipag kumilos at huwag tatamad tamad.
- Kailangan na magsikap, huwag kang basta susuko sa mga hirap na iyong mararanasan sa pagtupad ng iyong mga pangarap.
- Ang taong may pangarap ay kailangan na mag-tapos ng kanyang pag-aaral upang masigurado na mayroon kang magandang kinabukasan.
- Gawing inspirasyon ang mga hirap na nararanasan upang makamit mo ang iyong mga pangarap, gawing mong aral sa buhay ang lahat ng pagsubok na iyong kinaharap.
- Maging laging positibo ang pananaw sa buhay, ang taong may pangarap ay makakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Bawat tao ay merong pangarap na nais matupad sa kanilang buhay, ngunit ang mga pangarap upang matupad ay kailangan ng pagsusumikap, kung hindi tayo gagawa ng paraan para ito ay matupad habang buhay na magiging pangarap lang ang mga ito.
Explanation: