Answer:
Sa kanyang pamumuno, maayos na nakabangon ang bansa mula sa pagkasirang tinamo nito sa World War II.
Lumago din ang ekonomiya ng Pilipinas ng halos 9.5% sa pangkalahatan ng kanyang pamumuno.
Sa tulong ng Estados Unidos at pangunguna ni Quirino, umusbong ang maraming pabrika sa bansa na nagbigay ng oportunidad sa mga Pilipino na magkaroon ng trabaho.
At dahil lumalago ang industriyalisasyon sa bansa, ipinatayo niya ang mga hydroelectric power plants sa Maria Cristina Falls at sa Bulacan upang punuan ang lumalaking pangangailangan ng bansa sa kuryente.
Pinagbuti rin ang sistema ng irigasyon para sa pagpapalago naman ng Sektor ng Agrikultura.
Naitatag din sa termino ni Quirino ang Bangko Sentral ng Pilipinas at ang mga rural bank. Ang mga ito ang nakapagpapautang sa mga magsasaka para sa kanilang pinansyal na suporta.
Itinatag din sa Administrasyong Quirino ang Social Security Commission at ang President’s Action Committee on Amelioration na nagbibigay ng ayuda at pautang sa mga mahihirap na Pilipino.
Kabilang sa benepisyong hatid ng mga programang ito ang insurance sa panahon ng pagtanda, aksidente at pagtamo ng permanenteng kapansanan. Dagdag pa rito ang kasiguruhan ng pagbibigay ng tulong para sa problema sa trabaho, kalusugan ng mamamayan, lalo na ng mga ina.