Ang Dinastiyang Qin (221 - 206 BK) ay pinangunahan ng Dinastiyang Zhou at sinundan ng Dinastiyang Han sa Tsina. Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong 221 BK, ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1912. Ang dinastiyang ito ay nag-iwan ng isang sentralisadong imperyo na gagayahin ng mga susunod na mga dinastiya. Sa rurok ng kanyang kapangyarihan, ang Dinastiyang Qin ay may 40 milyong tao