IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig ?

Sagot :

Ang krusada o ang crusades sa Ingles ay isa sa mga madudugong parte ng kasaysayan ng mundo. Isa itong kampanya ng mga Katoliko noon upang mabawi ang mga tradisyonal na teritoryo o lupain ng mga Kristiyano na napasakamay ng mga Muslim. Naging palasak ang krusada sa Europa at nagkintal ng mga aral at mga pangyayaring mahahalaga sa kasaysayan, hindi lamang sa Europa at sa paglawak ng Katolisismo, ng mundo.

 

Nagkaroon ng magandang dulot ang krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Ilan din sa mahahalagang pangyayari ay ang naging malayang manlalakbay ang mga kristiyano sa Jerusalem matapos ang ikalawang krusada.

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.