Ang anekdota ay isang uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng sariling karanasan ng may akda. Ang mga karanasang ito ay dapat na kaaliw-aliw, nakatutuwa, at higit sa lahat ay may kabuluhan.
Upang makagawa ng isang anekdota ay dapat na isulat ang pagkakasunod-sunod ng sariling karanasan. Isalaysay ito sa malikhaing paraan. Alalahanin rin na dapat ay klaro ang aral na makukuha sa salaysay.