IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

ano ang kahulugan ng mapanglaw

Sagot :

Kahulugan ng Mapanglaw

Ang salitang mapanglaw ay tumutukoy sa kalungkutan, hinagpis, lumbay, at kalamlaman; ito ay bunga ng pagkasawi o hindi nagawang abutin ang mga naisin sa buhay.

Ang mga taong nakararanasan ng ganitong sitwasyon ay marapat tulungan upang magkaroon muli ng panibagong kulay ang kanilang mundong dati’y mapanglaw.

Mga pangungusap gamit ang salitang mapanglaw

  • Mapanglaw ang gabi ng matandang dalagang si Myrna sapagkat wala man lang itong kasama sa buhay.
  • Naging mapanglaw ang kinabukasan ni Alfred ng hindi ito nakatapos sa kolehiyo.
  • Mapanglaw ang pinagdaanan ni Alice sa kamay ng kanyang mga naging amo matupad lamang ang kanyang pinapangarap na magandang buhay para sa mga anak.
  • Ang pagkabigo ng pamahalaan sa pag-abot ng maunlad na ekonomiya ay nagdala sa mapanglaw na kinabukasan ng bansa.
  • Mapanglaw man ang mga pinagdaanan ni Jennie sa buhay ay hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pag-abot sa kanyang pangarap.
  • Nais ng gurong si Lolita na imulat ang mapanglaw na sinapit ng mga mag-aaral sa pagputok ng Bulkang Taal tungo sa mas maunlad na buhay.
  • Mapanglaw na kinabukasan ang naghihinatay sa mga taong hindi marunong magsikap para mapunlad ang sariling pamumuhay.
  • Nais ng lahat ang magandang buhay dumaraan man minsan sa mga mapapanglaw na pagsubok ay pilit pa rin bumabangon para sa pagkamit ng pangarap.
  • Kadalasa’y nagiging mapanglaw ang gabi ni Lita sapagkat naiisip niya ang kanyang mga anak na nasa malalayo.

Para sa karagdagang impormasyon maaring magtungo sa link na nasa ibaba:

https://brainly.ph/question/1297024

https://brainly.ph/question/2116288

https://brainly.ph/question/2097945

#LearnWithBrainly