Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Anu ang kahulugan ng pagtalunton,tangis ng pamamaalam,binhing nakatanim,nag-uumapaw sa ating diwa at itinudla ng nakaraan?

 



Sagot :

Anu ang Kahulugan ng Pagtalunton, Tangis ng Pamamaalam, Binhing Nakatanim, Nag-uumapaw sa Ating Diwa at Itinudla ng Nakaraan?

Answer:

Ang kahulugan ng pagtalunton ay sinundan; ang tangis ng pamamaalam ay pagiyak o sakit ng pagkakalayo; ang binhing nakatanim ay alaala o pangyayaring ipinunla upang tumubo at yumabong; ang nag-uumapaw sa ating diwa ay damdaming gustong ipagsigawan, ipaalam o ipakita; ang itinudla ng nakaraan ay iniukit ng kahapon o bagay na nagsisilbing marka ng nakaraan.  

Explanation:

Ang bawat salitang ito ay may mga kanya-kanyang kahulugan na kailangang maunawaan.

  1. Pagtalunton
  2. Tangis ng Pamamaalam
  3. Binhing nakatanim
  4. Nag-uumapaw sa ating diwa
  5. Itinudla ng Nakaraan

Pagtalunton

Ang salitang pagtalunton ay nangangahulugang "sinundan, pinuntahan at nilakbay."

Halimbawa:

"Sa kanyang pagtalunton sa bundok, nakita niya ang isang napakagandang bulaklak na bihira lamang makita."

Tangis ng Pamamaalam

Ang mga salitang tangis ng pamamaalam ay nangangahulugang "matinding kalungkutan dahil sa pag-alis o pag-iyak dahil sa matinding kalungkutan na nadarama dahil sa pagkakahiwalay."

Halimbawa:

"Nakaramdam ng tangis ng pamamaalam ang magkaibigan dahil sa kanilang paghihiwalay."

Binhing Nakatanim

Ang binhing nakatanim ay nangangahulugang "isang pangyayari, aral, prinsipyo, ala-ala na nakalagay na sa puso ng isang tao na hindi na basta makakalimutan o mawawala."

Halimbawa:

"Ang mga payo ng aking mga magulang noong nabubuhay pa sila ay tila binhing nakatanim na sa aking puso at hindi ko iyon makakalimutan."

Nag-uumapaw sa ating Diwa

Ang mga salitang nag-uumapaw sa ating diwa ay nangangahulugang "damdamin na gustong gusto na ilabas, mga salitang nais ng ibuhos sapagkat nag-uumapaw o napupuno na."

Halimbawa:

"Dahil sa mga bagay na natutuhan natin sa paaralan, nag-uumapaw sa ating diwa ang mga bagay na nais nating ipagsigawan upang gisingin ang mga mamamayan lalo na tungkol sa mga isyu ng bansa."

Itinudla ng Nakaraan

Ang mga salitang itinudla ng nakaraan ay nangangahulugang "mga pangyayari noon na nagmarka sa atin at nagpabago sa atin."

Halimbawa:

"Ang itinudla ng nakaraan ang naging dahilan kung bakit nagbago ang kanyang ugali at pagkilos."

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kahulugan, bisitahin ang sumusunod:

  • Ano po ang ibig sabihin bg binhing nakatanim, pagtalunton, itinudla ng nakaraan, nag-uumapaw sa ating diwa, tangis ng pamamaalam?- https://brainly.ph/question/32345
  • Ano po ibig sabihin ng itinudla ng nakaraan? nag -uumapaw sa ating diwa? tangis ng pamamaalam?- https://brainly.ph/question/32262
  • Anu ang kahulugan ng pagtalunton,tangis ng pamamaalam,binhing nakatanim,nag-uumapaw sa ating diwa at itinudla ng nakaraan?- https://brainly.ph/question/35836