IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ano ang mga uri ng pang-uri at example

Sagot :

Uri ng pang-uriAng PANG-URI ay salitang naglalarawan sa katangian o bilang ng pangngalan at panghalip.
May apat na uri ng panguri.
1.PANLARAWAN-nagsasabi tungkol sa hitsura ,laki,lasa,amoy,hugis at iba pang katangian ng pangngalan at panghalip.
Halimbawa: Ang mababait na kapitbahay ay tumutulong sa magkakapatid.
2.PAMILANG-nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at pang-halip.
Merong anim na pamilang.1. Patakaran/Kardinal - bilang sero hanggang trilion hal. isa ,dalawa, tatlo
2. Patakda/tiyak na bilang - inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.
hal. iisa,tatatlo,dadalawa,aapat
3. Pahalaga - pera ang tinutukoy
hal. mamiso,mamiseta,piso
4. Pamahagi - paghahati-hati o pagbabahagi
hal. 1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu
5. Panunuran/Ordinal - pagkakasunod-sunod ng mga bilang
HAL. una,ikalwa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo
6.Palansak - grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng panlapinh han/an.
hal. tatlu-tatlo , pitu-pito / waluhan,limahan
3.PANTANGI- may anyong pangngalang pantangi na naglalarawan sa isang pangngalan.
Halimbawa: Ang bus ay biyaheng Bicol
4.PAARI- mga salitang paari na tumuturing sa pangngalan.Halimbawa: Mababait ang mga kapitbahay nila.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.