Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

10 Mga halimbawa ng literal at metaporikal na may pangungusap?

Sagot :

10 Mga halimbawa ng literal at metaporikal na may pangungusap?

  • Ang pagpapakahulugang metaporikal  ito ay tumutukoy sa mga kahulugan ng salita batay sa representasyon o mga simbolismo. Ito naman ay taliwas sa literal na pagpapakahulugan. Napakaraming salita dito sa atin  na may literal at metaporikal na kahulugan lalo na sa kontemporaryong bokabularyo ng wikang Filipino.  

Mga halimbawa ng literal na pangungusap

Literal:

1. bola- ito bagay na ginagamit sa basketbol

          Magandang gamitin sa paglalaro ng basketbol ang bola na malakas tumalbog.

2. pawis- ito lumalabas na tubig sa ating katawan

          Nagtatrabaho si ina sa ilalim ng mainit na sikat ng araw at pawis na    pawis.

3. pilak- ito ay isang metalikong elementong na kimikal.

          Ang pilak ay ginagamit sa paggawa ng mga alahas tulad ng kwentas.

4. oras- panahon, alas-dose, ala-una, ito ay nagsasaad ng panahon

          Ang oras ng kanilang pagtatagpo ay alas dose ng tanghali.

5. damo- ito ay isang uri ng halaman na kadalasang makikita sa parang.

        Napakasarap mahiga sa luntiang damo sa parang.

Mga halimbawa metaporikal na pangungusap

6. bola – ito ay pagbibiro

          Tigilan mo na nga si Lito., puro ka nalang bola.

7. pawis- ito ay pinaghihirapang gawin

          Pawis at dugo ang pinuhunan nila sa pag-aaral mo, alalahanin ninyo yan.

8. pilak- ito ay pera

 Bumili siya ng kalabaw sa isang supot na pilak lamang.

9. oras-  ito ay takdang panahon, katapusan.

          Sino  ang nakakaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo.

10. damo-pinakakahulugan na tao

          Ang pumatay kay Inay ay isang masamang damo.

Para sa karagdagang impormasyon:    

https://brainly.ph/question/2030051

https://brainly.ph/question/1090809

#BetterWithBrainly