Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang paraan ng pamamahala ng Pilipinas ?

Sagot :

Answer:

Paraan ng pamamahala ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa na kung saan ang mga mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan o sa medaling sabi, ito ay pinamamahalaan ng nakararaming tao. Ang mamamayan ang namimili at naghahalal ng magiging pinuno na mamamahala at mamumuno ng bansa. Ang bawat mamamayan ay binibigyan ng pantay na mga karapatan at pribilehiyo sa malayang pakikilahok sa mga usaping pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at pang kultural upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.  

Dahilan kung bakit ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamahalaang demokrasya  

  • Ang lahat ng kasapi ay sumasali sa lahat ng gawaing politikal at nakikilahok sa pagtatalakay ng mga iba’t ibang usapin.  
  • Ang mga mamamayan ay namimili o naghahalal ng kanilang magiging kinatawan sa mga gawaing pampamahalaan.  
  • Ang mga mamamayan o mga taong nasasakupan ay malayang naipapahayag ang kanilang mga saloobin at opinyon.  
  • Ang mga tao ay may kalayaang gawin kung ano ang gustong gawin katulad ng pag-aar ng mga lupain, pagpapatakbo ng sariling negosyo, pagpuna sa mga katiwaliang nangyayari.  
  • Ang karapatan ng bawat isa ay naipaglalaban sa isang responsableng pamamaraan.
  • Ang pinuno ay naglilingkod sa lahat ng tao nang pantay-pantay at walang kinikilingan.
  • Walang taong nangingibabaw sa batas. Lahat ay pantay-pantay sa ilalim ng batas maging anuman ang katayuan ng tao sa buhay.
  • Ang isang bansa o lugar ay binibigyan ng pantay na karapatan at pagkakataon sa lahat ng tao, mayaman man o mahirap, malusog o may sakit, kilala o hindi. Iginagalang ng demokrasya ang dangal at karapatan ng isang tao.
  • Ang pasya ng nakararami ang nananaig para sa lahat.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:  

Ibig Sabihin ng Demokrasya: brainly.ph/question/59829  

#BetterWithBrainly