Kasingkahulugan ito ng mga salitang eskwela, estudyante at sinasanay. Kapit ito hindi lang sa mga pumapasok sa paaralan kundi pati na rin ang mga baguhan sa isang gawain, trabaho, pagsasanay at marami pang iba. Kaya kahit matanda na ang isang tao, pwede pa rin siyang ituring bilang mag-aaral. Halimbawa, ang isang adulto na kumukuha ng lisensya sa pagmamaneho ay kailangang pumasa sa mga pagsasanay at dumaan muna sa pagiging mag-aaral (student driver) bago siya mabigyan ng lisensya.