Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

mga halimbawa ng metaporical at literal na pangungusap

Sagot :

AHAS

Literal: Isang uri ng hayop.
- May nakita akong ahas sa gubat.
Metaporikal: Traydor o taksil.
- Siya ay isang ahas dahil matagal na siyang nagbabalak ng masama sa kanyang kaibigan.

BOLA
Literal: Bagay na ginagamit sa mga i-sports.
- Ipasa mo sa akin ang bola.
Metaporikal: Pagbibiro.
- Tumigil ka nga, binobola mo na naman ako. 

PAPEL
Literal: Bagay na pwedeng sulatan.
- Pahingi ng papel, yung 1/4 lang.
Metaporikal: Posisyon sa buhay.
- Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel sa buhay.