IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw at mabilis na mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pag-ibig


Sagot :

Answer:

Ano ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos?

A. Espiritwalidad

B. Pananampataya

C. Panalangin

D. Pag-ibig

Ang sagot ay Panalangin. Ito ang nagsisilbing ugnayan ng mga tao sa ating Panginoong Diyos. Ang panalangin ang nagsisilbing komunikasyon natin sa ating Diyos. Sa pamamamagitan ng panalangin tayo ay umiiyak, tumatawa at nakikipaag usap sa Diyos ng walang halong panlilinlang. Dito rin natin nailalabas ang ating mga hinanaing, sama ng loob, galit o kung ano pa man sa ating Diyos. Dito rin natin nasasabi ang mga bagay na gumugulo sa ating isip. Sapagkat nababatid ng Diyos ang ating iniisip, ginagawa at mga emosyon.

Ito rin ang ginagamit natin upang tayo ay sumamba, magpuri at magpasalamat sa kabutihan na natatanggap natin araw araw sa ating Diyos. Walang oras o panahon ang kailangan upang magdasal o manalangin. Bawat minuto o segundo ay maaaring manalangin at kausapin ang lumikha sa atin. Wala rin itong limitasyon o hangganan.

Bakit kailangan natin manalangin?

  • Sapagkat sa pamamagitan ng panalangin tayo ay nagkakaroon ng kapayapaan sa isip at puso.
  • Sapagkat nailalabas natin ang ating mga emosyon sa dakilang Diyos at tayo ay tinutulungan niya dito.
  • Sapagkat dahil sa panalangin nababawasan ang ating mga nararamdamang kahirapan dahil ang gabay ng ating Panginoon ay sumasa atin.
  • Sapagkat dahil sa panalangin tayo ay humuhusay sa mga bagay na ipinapanalangin natin.
  • Sapagkat dahil sa panalangin tayo ay naiingatan ng ating Panginoon.
  • Sapagkat dahil sa panalangin nakaka hingi tayo ng kapatawaran sa ating mga nagawang kasalanan.
  • Sapagkat dahil sa panalangin tayo ay nakakapag pasalamat sa ating dakilang Diyos.
  • Sapagkat dahil sa panalangin tayo ay nakakapag puri sa ating Panginoon.
  • Sapagkat dahil sa panalangin naitataas natin ang pangalan ng ating Panginoon.

Kung nais mo pang makabasa ng iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:

  • Layunin sa panalangin: https://brainly.ph/question/1035230
  • Bakit mahalaga ang pananalangin sa panginoon bago magawa ang anumang gawain?: https://brainly.ph/question/1259302

#LetsStudy