Ang mga bourgeosie ay bagong uri ng mga mamamayan sa lipunan noong paunlad na ang mga bayan at lunsod sa Europa. Sila ang panggitnang-pangkat sa lipunan na binubuo ng mga mangangalakal at negosyante. Malaki ang pakinabang sa kanila ng lipunan hindi lamang sa aspeto ng kabuhayan, kundi sa pangangailangan din ng mga hari dahil sila ang nagtustos ng mga pondong kakailanganin para sa isasagawang digmaan.