Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
KALAMIDAD O SAKUNA
Gawain 2: Anong paghahanda ang gagawin mo sa mga kalamidad o sakuna na nakatala sa ibaba. Sumulat ng tatlong pamamaraan sa bawat letra. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Sagot:
A. Lindol
- Habang lumilindol sa ating pamayanan, protektahan ang ating ulo sa pamamagitan ng pagyuko.
- Maghanap ng matibay na kagamitan katulad ng mesa na maaaring pagtaguan.
- Maging maingat, alisto at mapagmatiyag rin sa mga bagay na mahuhulog upang ikaw ay maging ligtas.
B. Sunog
- Kung ikaw ay nasa loob ng nasusunog na bahay, maaaring takpan ang iyong ilong upang hindi mahilo sa dala ng usok ng apoy.
- Maaaring tawagan ang mga bombero upang hindi kumalat ang apoy.
- Maaari mo rin silang tulungan sa pagpigil ng apoy.
C. Baha
- Kung binabaha sa inyong lugar, maaaring maghanap ng mataas na lugar kagaya sa bubòng kung pinapasok na ng tubig ang lugar.
- Huwag lumusong kung walang bota sa baha dahil maaari tayong magkaimpeksyon lalo na kung may ihi ng daga ang tubig-baha.
- Kung kayo ay lilikas na, maaari niyong sundin ang mga patakaran o tagubilin ng mga awtoridad.
Sana'y makatulong sa'yo ang aking sagot!
#CarryOnLearning ☁️
Ang iyong kontribusyon ay mahalaga sa amin. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at matuto ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.